Ang Microsoft Office Language Interface Pack 2010 – Filipino ay nagbibigay ng Filipino na interface para sa user para sa maraming program ng Microsoft Office 2010.
Note:There are multiple files available for this download.Once you click on the "Download" button, you will be prompted to select the files you need.
LanguageInterfacePack_x86_fil-ph.exe
LanguageInterfacePack_x64_fil-ph.exe
O14LipHelp_fil-ph.chm
Ang Microsoft Office Language Interface Pack 2010 – Filipino ay nagbibigay ng Filipino na interface para sa user para sa:
- Microsoft Office Excel 2010
- Microsoft Office OneNote 2010
- Microsoft Office Outlook 2010
- Microsoft Office PowerPoint 2010
- Microsoft Office Word 2010
Mga Sinusuportahang Operating System:
Windows 7
-
Kinakailangang software: Ang anumang suite o solong kopya ng Microsoft Office 2010 na naglalaman ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na application: Excel, OneNote, Outlook, PowerPoint o Word.
- Mga kinakailangang disk space: Bilang karagdagan sa hard disk space na ginamit ng kasalukuyang naka-install na mga program ng Office 2010, kinakailangan ang 20 megabytes (MB) ng bakanteng hard disk space.
Upang i-install ang na-download na ito:
- I-download ang LanguageInterfacePack.exe file sa pamamagitan ng pag-click ng Download na boton (sa itaas) at pag-save ng file sa iyong hard disk.
- I-double-click ang LanguageInterfacePack.exe program file sa iyong hard disk upang simulan ang programa ng Setup.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen upang kumpletuhin ang pag-install.
- Sa sandaling ma-install, ang readme file para sa iyong Microsoft Office 2010 Language Interface Pack ay maaaring makita sa C:\Program Files\Common Files\microsoft shared\OFFICE14\LCID\LIPread.htm
- Ang pag-upgrade ng Office 2007 na may Office 2007 Language Interface Pack o ang lumang edisyon ng Office 2010 na may Office 2010 Language Interface Pack ay hindi suportado. Kung gusto mong i-upgrade sa Office 2010 ang iyong base installation ng Office 2007 na may Office 2010 Language Interface Pack kailangan mong:
- I-uninstall ang Office 2007 Language Interface Pack
- Paganahin ang Office 2010 setup at piliin ang opsyon sa pag-upgrade.
- Kapag nakumpleto ang Office 2010 setup, i-install at i-configure ang Office 2010 Language
Interface Pack
Gawing aktibo ang iyong produkto ng Office:
- Kung magkakaproblema ka sa pagbabasa ng kabuuang diyalogo ng Installation Code na "Microsoft Office Activation Wizard", o ang kabuuang installation code ay hindi naka-display nang tama kapag ginagamit ang iyong Microsoft® Office Language Interface Pack 2010, mangyaring kanselahin ang wizard at lumipat sa iyong Ingles na produkto upang gawing aktibo ang iyong produkto ng Microsoft Office
Mga tagubilin para sa paggamit:
Upang ilipat ang iyong User Interface sa wika ng Microsoft Office Language Interface Pack 2010– Filipino, sundin ang mga hakbang na ito:
- Paganahin ang Mga Kagustuhang Wika ng Microsoft Office 2010 mula sa Start\All Programs\Microsoft Office\Microsoft Office Tools.
- Sa ilalim ng Wika ng Display na nasa ilalim ng Piliin ang Display at Help Languages, piliin ang kinakailangang wika at i-click ang Itakda bilang Default na boton.
- Sa ilalim ng Pumili ng Mga Wika sa Pag-edit, piliin ang wika na kinakailangan i-click ang Itakda bilang Default na boton.
- I-click ang OK na boton.
Ang mga setting ng wika na iyong pinili ay gagana sa susunod na simulan mo ang iyong mga application ng Office.
Tandaan: Ang tulong ay hindi maaaring ilipat sa wika ng Microsoft Office Language Interface Pack 2010– Filipino. Ang tulong ay palaging mananatili sa wika ng iyong orihinal na pag-install.
Palaging itakda ang iyong display ng tulong sa dropdown na listahan sa pangunahing wika.
Upang alisin ang download na ito:
Sundin ang mga hakbang na ito sa Windows XP Home o Professional Edition:
- Isara ang lahat ng program.
- I-double-click ang Magdagdag o Mag-alis ng Mga Programa na icon sa Windows Control Panel.
- I-click ang kahon ng Microsoft Office Language Interface Pack 2010 na nasa Kasalukuyang naka-install na mga programa, at pagkatapos ay piliin ang Alisin na boton.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Sundin ang mga hakbang na ito sa Windows Vista o Windows 7:
- Isara ang lahat ng program.
- I-double-click ang Mga Program at Tampok na icon sa Windows Control Panel.
- Sa opsyong Mag-uninstall o Magbago ng Program, i-click Microsoft Office Language Interface Pack 2010– Filipino na nasa kahon ng Kasalukuyang naka-install na mga programa, at pagkatapos ay i-piliin ang opsyon na Tanggalin ang pagkaka-install.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Kung hindi mo makita ang mga nilalaman ng CHM file pagkatapos itong i-download, maisasagawa mo ang mga sumusunod na hakbang na magbibigay-daan sa iyong makita ang mga nilalaman :
- Buksan ang folder kung saan mo na-download ang CHM file.
- Mag-right click sa CHM at mula sa menu na lilitaw, piliin ang Mga Katangian.
- Sa Pangkalahatang tab, i-click ang button na I-unblock at pagkatapos ay i-click ang button na OK.
- Mag-double click sa CHM file at makikita mo na ang mga nilalaman nito.