1. Iyong Pagiging Pribado. Mahalaga sa amin ang iyong pagiging pribado. Pakibasa ang Pahayag ng Pagiging Pribado ng Microsoft (ang "Pahayag ng Pagiging Pribado") dahil inilalarawan nito ang mga uri ng data na kinokolekta namin mula sa iyo at sa mga device mo ("Data"), kung paano namin ginagamit ang Data mo, at ang mga legal na batayan namin para iproseso ang Data mo. Inilalarawan din ng Pahayag ng Pagiging Pribado kung paano ginagamit ng Microsoft ang iyong nilalaman, na ang pakikipag-ugnayan mo sa iba; ang mga post na isinumite mo sa Microsoft sa pamamagitan ng Mga Serbisyo; at ang mga file, larawan, dokumento, audio, digital work, livestream at video na ia-upload, iiimbak, ibo-broadcast, o ibabahagi mo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ("Iyong Nilalaman"). Kapag pinapayagan ang pagpoproseso at hangga't pinapahintulutan ng batas, sa pamamagitan ng pagtanggap sa Mga Tuntuning ito, pinapayagan mo ang pangongolekta, paggamit, at paghahayag ng Microsoft sa Iyong Nilalaman at Data gaya ng inilalarawan sa Pahayag ng Pagiging Pribado. Sa ilang sitwasyon, magbibigay kami ng hiwalay na abiso at hihilingin namin ang pahintulot mo gaya ng nakasaad sa Pahayag ng Pagiging Pribado.
2. Iyong Nilalaman. Binibigyang-daan ka ng karamihan sa aming Serbisyo na iimbak o ibahagi ang Iyong Nilalaman o makatanggap ng bagay mula sa iba. Hindi namin kine-claim ang pagmamay-ari sa Iyong Nilalaman. Sa iyo lang ang Iyong Nilalaman at ikaw ang may pananagutan dito.
3. Code ng Asal.
4. Paggamit sa Mga Serbisyo at Suporta.
5. Paggamit sa mga Mga Third-Party na App at Serbisyo. Sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, maaari mong magawang mag-access o kumuha ng mga produkto, serbisyo, website, link, nilalaman, materyal, laro, kakayahan, integration, bot, o application mula sa mga independent na third party (mga kumpanya o tao na hindi Microsoft) ("Mga App at Serbisyo ng Third Party"). Marami sa aming Mga Serbisyo ang makakatulong din sa iyo na humanap, humiling, o makipag-ugnayan sa Mga App at Serbisyo ng Third Party o magbibigay-daan sa iyo na magbahagi ng Iyong Nilalaman o Data, at nauunawaan mo na ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo para magbigay ng Mga App at Serbisyo ng Third Party sa iyo. Maaari mo ring magamit ang Mga App at Serbisyo ng Third Party para mag-imbak ng Iyong Nilalaman o Data sa publisher, provider o operator ng Mga App at Serbisyo ng Third Party. Maaari ka ring bigyan ng Mga App at Serbisyo ng Third Party ng patakaran sa pagiging pribado o kaya ay atasan ka na tumanggap ng mga karagdagang tuntunin bago mo ma-install o magamit ang App o Serbisyo ng Third Party. Tingnan ang seksyon 13(b) para sa karagdagang patakaran para sa mga application na nakuha sa pamamagitan ng Office Store, Xbox Store o ng Windows Store. Dapat mong suriin ang anumang karagdagang tuntunin at patakaran sa pagiging pribado bago kunin, gamitin, hilingin, o i-link ang iyong Account sa Microsoft sa anumang App at Serbisyo ng Third Party. Hindi mababago ng anumang karagdagang patakaran ang Mga Patakaran na ito. Hindi nagbibigay ng lisensya sa intellectual property ang Microsoft sa iyo bilang bahagi ng anumang Third-Party na App at Serbisyo. Pumapayag kang akuin ang lahat ng panganib at pananagutang nagmumula sa iyong paggamit ng Mga Third-Party na App at Serbisyo at walang pananagutan ang Microsoft para sa anumang isyu na nagmumula sa iyong paggamit sa mga ito. Walang responsibilidad o pananagutan ang Microsoft sa iyo o sa iba pa para sa impormasyon o mga serbisyong ibinibigay ng anumang App at Serbisyo ng Third Party.
6. Availability ng Serbisyo.
7. Mga Update sa Mga Serbisyo o Software, at mga Pagbabago sa Mga Patakarang Ito.
8. Lisensiya ng Software. Maliban kung may kasama itong hiwalay na kasunduan sa lisensya ng Microsoft (halimbawa, kung gumagamit ka ng Microsoft application na kasama at bahagi ng Windows, nasasaklawan ng Mga Tuntunin sa Lisensya ng Microsoft Software para sa Operating System ng Windows ang naturang software), napapailalim sa Mga Tuntuning ito ang anumang software na ibibigay namin sa iyo bilang bahagi ng Mga Serbisyo. Napapailalim sa seksyon 13(b)(i) sa ibaba ang mga application na nakuha sa pamamagitan ng Office Store, Windows Store, at Xbox Store.
9. Mga Patakaran sa Pagbabayad. Kung bumili ka ng isang Serbisyo, nalalapat ang mga patakaran sa pagbabayad na ito sa iyong pagbili at sumasang-ayon sa mga ito.
10. Nakikipagkontratang Entity, Pagpili ng Batas, at Lokasyon para sa Pagresolba ng mga Di-pagkakasundo. Para sa paggamit mo ng mga libre at bayad na Serbisyong may brand na Skype para sa consumer, nakikipagkontrata ka sa, at nangangahulugan ang lahat ng pagbanggit sa "Microsoft" sa Mga Tuntuning ito na, Skype Communications S.à.r.l, 23 – 29 Rives de Clausen, L-2165 Luxembourg. Para sa libre o binayarang Skype-branded na Serbisyo na pang-consumer, pinamamahalaan ng batas ng Luxembourg ang interpretasyon ng Kasunduang ito at mga paghahabol sa paglabag sa mga ito, mayroon mang di-pagkakasundo sa mga prinsipyo ng mga batas. Pinamamahalaan ng mga batas ng probinsya o bansang tinitirhan mo ang iba pang mga paghahabol (kabilang ang proteksyon ng consumer, hindi patas na kumpetisyon, at mga tort na paghahabol). Kung tinanggap mo ang mga Kasunduang ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang account sa Skype o sa paggamit ng Skype, ikaw at kami ay permanenteng pumapayag sa ekslusibong hurisdiksyon at lugar ng mga korte sa Luxembourg para sa lahat ng di-pagkakasundong nagmumula o may kaugnay sa Kasunduang ito o mga Skype-branded na Serbisyo na pang-consumer. Para sa iba pang Mga Serbisyo, kung tinanggap mo ang Kasunduang ito sa pamamagitan ng paggawa ng account sa Microsoft o paggamit ng alinmang Serbisyo, lalabas sa ibaba ang entity na kinokontrata mo, ang namamahalang batas, at ang lokasyon sa pagresolba sa mga di-pagkakasundo:
Ang iyong mga lokal na batas ng consumer ay maaaring kailanganin ang mga lokal na batas na mamahala o bigyan ka ng karapatang magresolba ng mga di-pagkakasundo sa ibang forum sa kabila ng Kasunduang ito. Kung oo, malalapat ang pagpili ng batas at mga probisyon ng forum sa seksyon 10 hanggang pinapayagan ng iyong mga lokal na batas ng consumer.
11. Mga Warranty.
12. Limitasyon ng Pananagutan.
13. Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo. Ang mga tuntunin bago at pagkatapos ng seksyon 13 ay karaniwang nalalapat sa lahat ng Serbisyo. Ang seksyon na ito ay naglalaman ng mga tuntuning partikular sa serbisyo na maidaragdag sa mga pangkalahatang tuntunin. Ang mga tuntuning partikular sa serbisyo na ito ang sasaklaw kung may anumang pagsasalungat sa mga pangkalahatang tuntunin.
14. Iba pa. Ang seksyong ito, at ang seksyon 1, 9 (para sa mga halagang maiipon bago magwakas ang Mga Tuntuning ito), 10, 11, 12, 15, 17 at mga seksyong malalapat alinsunod sa mga tuntunin ng mga ito kapag nagwakas ang Mga Tuntuning ito ay hindi mawawalan ng bisa kapag winkasan o kinansela ang Mga Tuntuning ito. Sa saklaw na pinahihintulutan ng naaangkop na batas, maaari naming itakda ang Kasunduang ito, i-subcontract ang aming mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito, o i-sublicense ang aming mga karapatan sa ilalim ng Mga Patakaran na ito, nang buo o bahagya, sa anumang oras nang walang pag-abiso sa iyo. Hindi mo maaaring itakda ang Mga Patakaran na ito o ilipat ang anumang karapatan para gamitin ang Mga Serbisyo. Ito ang buong kasunduan sa pagitan mo at ng Microsoft para sa iyong paggamit sa Mga Serbisyo. Pumapalit ito sa anumang naunang kasunduan sa pagitan mo at ng Microsoft tungkol sa iyong paggamit sa Mga Serbisyo. Sa pagpasok sa Mga Patakaran na ito, hindi ka umaasa sa alinmang pahayag, representasyon, pagkakaintindi, pamamahala, pangako o katiyakan maliban sa kung ano ang hayag na nakatakda sa Kasunduang ito. Ang lahat ng bahagi ng Mga Patakaran na ito ay nalalapat hanggang pinapayagan ng naaangkop na batas. Kung napagpasyahan ng isang korte o tagahatol na hindi namin maipapatupad ang isang bahagi ng Mga Patakaran na ito tulad ng nasusulat, maaari naming palitan ang mga tuntuning iyon ng mga kaparehong tuntunin sa sukdulang maipapatupad sa ilalim ng naaangkop na batas, ngunit hindi mababago ang ibang bahagi ng Mga Patakaran na ito. Ang Mga Patakaran na ito ay para lang sa iyo at sa aming kapakinabangan. Hindi para sa kapakinabangan ng ibang tao ang Mga Patakaran na ito, maliban sa mga kahalili at itinalaga ng Microsoft. Para sa iyong pagsangguni lang ang mga heading seksyon at walang legal na epekto.
15. Dapat Maihain ang mga Paghahabol sa Loob ng Isang Taon. Anumang paghahabol na nauugnay sa Mga Patakaran na ito o sa Mga Serbisyo ay dapat ihain sa korte (o sa arbitrasyon kung nalalapat ang seksyon 10(d)) sa loob ng isang taon mula sa petsa kung kailan mo maaaring ihain ang paghahabol, maliban na lang kung nangangailangan ng mas mahabang oras upang maghain ng mga paghahabol ang iyong lokal na batas. Kung hindi maihain sa loob ng takdang panahon, permanente na itong ipagbabawal.
16. Mga Batas sa Pag-export. Dapat kang sumunod sa lahat ng domestiko at international na batas at regulasyon sa pag-export na nalalapat sa software at/o Mga Serbisyo, kasama ang mga paghihigpit sa mga patutunguhan, mismong user, at mismong paggamit. Para sa karagdagang impormasyon sa mga heyograpiko at pag-export na paghihigpit, bisitahin ang https://go.microsoft.com/fwlink/?linkid=868968 and https://www.microsoft.com/exporting.
17. Paglalaan ng Mga Karapatan at Feedback. Maliban kung malinaw na nakasaad sa Mga Tuntuning ito, hindi ka binibigyan ng Microsoft ng lisensya o anumang iba pang karapatan, anuman ang uri, sa ilalim ng anumang patent, kasanayan, copyright, trade secret, trademark o iba pang intelektwal na ari-arian na pagmamay-ari o kinokontrol ng Microsoft o anumang nauugnay na entity, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, anumang pangalan, trade dress, logo, o katumbas ng mga ito. Kung magbibigay ka sa Microsoft ng anumang ideya, panukala, suhestyon, o feedback, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga ideya para sa mga bagong produkto, teknolohiya, promosyon, pangalan ng produkto, feedback sa produkto, at pagpapahusay sa produkto ("Feedback"), binibigyan mo ang Microsoft, nang walang bayad, royalty, o iba pang obligasyon sa iyo, ng karapatang gawin, ipagawa, paghanguan, gamitin, ibahagi, at pagkakitaan ang iyong Feedback sa anumang paraan at para sa anumang layunin. Hindi ka magbibigay ng Feedback na napapailalim sa isang lisensya na nag-aatas sa Microsoft na ilisensya ang software, mga teknolohiya o dokumentasyon nito sa anumang third party dahil isinama sa mga ito ng Microsoft ang iyong Feedback.
Mga abiso at pamamaraan sa pagkuha ng paghahabol ng paglabag sa intelektwal na ari-arian. Nirerespeto ng Microsoft ang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ng mga third party. Kung gusto mong magpadala ng abiso sa paglabag ng intelektwal na ari-arian, kasama ang mga claim sa paglabag sa copyright, mangyaring gamitin ang aming mga pamamaraan sa pagsusumite ng Mga Abiso sa Paglabag. ANG MGA TANONG LANG NA MAY KAUGNAYAN SA PAMAMARAANG ITO ANG MAKAKATANGGAP NG TUGON.
Ginagamit ng Microsoft ang mga proseso na itinalaga ng Titulo 17, Code ng Estados Unidos, Seksyon 512 para tumugon sa mga abiso sa paglabag sa copyright. Sa mga naangkop na sitwasyon, maari ding hindi paganahin o wakasan ng Microsoft ang mga account ng gumagamit ng mga serbisyo ng Microsoft sa mga umuulit sa paglabag.
Mga abiso at pamamaraan tungkol sa mga isyu ng intelektwal na ari-arian sa pag-a-advertise. Pakisuri ang aming Mga Alituntunin sa Intelektwal na Ari-arian tungkol sa mga problema sa intelektwal na ari-arian sa aming network ng pag-a-advertise.
Mga abiso sa copyright at trademark. Ang lahat ng Serbisyo ay copyright © 2018 Microsoft Corporation at/o ng mga supplier nito, One Microsoft Way, Redmond, WA 98052, USA. Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang Microsoft at ang mga pangalan, logo at icon ng lahat ng mga produkto, software at mga serbisyo ng Microsoft ay maaaring mga trademark o nakarehistrong trademark ng Microsoft sa Estados Unidos at/o sa ibang bansa. Ang mga pangalan ng mga aktwal na kumpanya at produkto ay maaaring mga trademark ng kanya-kanyang may-ari ng mga ito. Nakalaan ang anumang mga karapatang hindi hayagang ibinigay sa Mga Patakaran na ito. Ang ilang partikular na software na ginamit sa ilang partikular na server ng website ng Microsoft ay bahagyang nakabatay sa gawa ng Independent JPEG Group. Copyright © 1991-1996 Thomas G. Lane. Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang “gnuplot” na software na ginamit sa ilang partikular na server ng website ng Microsoft ay copyright © 1986‑1993 Thomas Williams, Colin Kelley. Reserbado ang lahat ng karapatan.
Abiso sa medikal. Hindi nagbibigay ang Microsoft ng medikal o anumang payo sa pangangalaga sa kalusugan, diagnosis o panggagamot. Laging humingi ng payo sa iyong doktor o iba pang kwalipikadong tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan sa anumang katanungang mayroon ka tungkol sa isang kundisyong medikal, diyeta, fitness o wellness program. Huwag kailanman balewalain ang propesyonal na payong medikal o ipahuli ang paghingi dito dahil sa impormasyong na-access mo sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.
Mga stock quote at index data (kasama na ang mga index value). © 2013 Morningstar, Inc. Reserbado ang Lahat ng Karapatan. Ang impormasyong napapaloob dito ay: (1) pagmamay-ari ng Morningstar at/o ang mga tagapagbigay ng nilalaman nito; (2) hindi maaaring kopyahin o ipamahagi; at (3) hindi tinatayak na tumpak, kumpleto o nasa oras. Walang pananagutan ang Morningstar o ang mga tagapagbigay ng nilalaman nito para sa anumang pinsala o pagkawala na magmumula sa paggamit sa impormasyong ito. Ang nakaraang pagganap ay hindi garantiya ng mga resulta sa hinaharap.
Hindi mo maaaring gamitin ang alinman sa mga Dow Jones IndexSM, index data, o ang mga marka ng Dow Jones na nauugnay sa pagbibigay, paggawa, pag-sponsor, pagkakalakalan, pagma-market, o pag-promote ng anumang pinansiyal na instrumento o produkto ng pamumuhunan (halimbawa, mga derivatives, structured na produkto, pondo sa pamumuhunan, pondo sa palitan-kalakalan, portfolio sa pamumuhunan, atbp., kung saan ang presyo, pagbalik at/o pagganap ng instrumento o produkto ng pamumuhunan ay nakabatay sa, nauugnay sa, o nilalayong subaybayanang alinman sa mga Index o isang proxy para sa alinman sa mga Index) nang walang hiwalay na nakasulat na kasunduan kasama ang Dow Jones.
Abiso hinggil sa pananalapi. Hindi isang broker/dealer o nakarehistrong tagapayo sa pamumuhunan ang Microsoft sa ilalim ng mga batas ng Estados Unidos sa federal na seguridad o mga batas sa seguridad ng ibang hurisdiksyon at hindi nagbibigay ng payo sa mga indibidwal tungkol sa pamumuhunan sa, pagbili, o pagbebenta ng mga seguridad o iba pang pinansiyal na produkto o serbisyo. Walang napapaloob sa Mga Serbisyo n alok o panghihikayat na bumili o magbenta ng anumang seguridad. Wala sa Microsoft o mga tagalisensya nito ng mga stock quote o index data ang nag-eendorso o nagrerekomenda ng anumang partikular na pinansiyal na produkto o serbisyo. Walang napapaloob sa Mga Serbisyo na ginawa para ituring na propesyonal na payo, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, payo sa pamumuhunan o buwis.
Abiso tungkol sa H.264/AVC MPEG-4 Visual, at mga VC-1 Video Standard. Maaaring kasama sa software ang H.264/AVC, MPEG-4 Visual at/o VC-1 codec na teknolohiya na maaaring lisensiyado ng MPEG LA, L.L.C.. Ang teknolohiyang ito ay isang format para sa pag-compress ng data ng impormasyon sa video. Kinakailangan ng MPEG LA, L.L.C. ang abisong ito:
MAY LISENSYA ANG PRODUKTONG ITO SA ILALIM NG H.264/AVC, MPEG-4 VISUAL, AT NG MGA LISENSYA NG PORTFOLIO NG PATENT NG VC-1 PARA SA PERSONAL AT HINDI PANGKOMERSYAL NA PAGGAMIT NG CONSUMER UPANG (A) MAG-ENCODE NG VIDEO ALINSUNOD SA MGA PAMANTAYAN (“MGA PAMANTAYAN SA VIDEO”) AT/O (B) MAG-DECODE NG H.264/AVC, MPEG-4 VISUAL, AT VC-1 VIDEO NA NA-ENCODE NG CONSUMER NA NAKIKILAHOK SA ISANG PERSONAL AT HINDI PANGKOMERSYAL NA AKTIBIDAD AT/O NAKUHA MULA SA ISANG PROVIDER NG VIDEO NA MAY LISENSYA UPANG IBIGAY ANG NABANGGIT NA VIDEO. WALA SA MGA LISENSYANG ITO ANG SUMASAKLAW SA ANUMANG IBA PANG PRODUKTO KASAMA MAN ANG NABANGGIT NA PRODUKTO SA SOFTWARE NA ITO SA ISANG ARTIKULO O HINDI. WALANG LISENSYANG IBIBIGAY O ILALAAN PARA SA ANUMANG IBA PANG PAGGAMIT. MAAARING MAKAKUHA NG KARAGDAGANG IMPORMASYON MULA SA MPEG LA, L.L.C. TINGNAN ANG WEBSITE NG MPEG LA.
Para lang sa mga layunin ng paglilinaw, hindi nililimitahan o tinatanggal ng abisong ito ang paggamit sa software na ibinigay sa ilalim ng Mga Patakaran na ito para sa mga karaniwang paggamit ng negosyo na personal sa negosyong iyon na hindi kinabibilangan ng (i) muling pamamahagi ng software sa mga third party, o (ii) paggawa ng materyal gamit ang mga teknolohiyang sumusunod sa MGA PAMANTAYAN NG VIDEO para sa pamamahagi sa mga third party.
KARANIWANG PATAKARAN SA LISENSYA SA APPLICATION
MICROSOFT STORE, WINDOWS STORE, AT XBOX STORE
Ang mga patakaran sa lisensya na ito ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng publisher ng application. Pakibasa ang mga ito. Nalalapat ang mga ito sa mga application ng software na ida-download mo mula sa Microsoft Store, Windows Store o sa Xbox Store (kung saan tutukuyin ang bawat isa sa mga tuntunin ng lisensiyang ito bilang "Store"), kasama ang anumang update o supplement para sa application, maliban kung may mga hiwalay na tuntunin ang application, kung saan ilalapat ang mga tuntuning iyon sa sitwasyong iyon.
SA PAMAMAGITAN NG PAG-DOWNLOAD O PAGGAMIT NG APPLICATION, O PAGTATANGKANG GAWIN ANG ANUMAN SA MGA ITO, TINATANGGAP MO ANG MGA PATAKARANG ITO. KUNG HINDI MO SILA TINATANGGAP, WALA KANG KARAPATAN SA AT HINDI DAPAT I-DOWNLOAD O GAMITIN ANG APPLICATION.
Ang publisher ng application ay nangangahulugang ang entity na naglilisensiya sa iyo ng application, gaya ng tinukoy sa Store.
Kung sumusunod ka sa mga patakaran ng lisensya na ito, mayroon kang mga karapatan sa ibaba.
Inilalapat ang mga limitasyong ito sa:
Nalalapat din ito kahit na:
Saklaw ang mga sumusunod na produkto, app at serbisyo ng Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft, pero maaaring hindi available sa iyong market.