MGA TAKDA NG LISENSIYA NG STANDARD APPLICATION
MICROSOFT STORE, WINDOWS STORE, AT XBOX STORE
Na-update Oktubre 2017
Ang mga takda ng lisensiyang ito ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng publisher ng application. Pakibasa ang mga ito. Nalalapat ang mga ito sa mga application ng software na dina-download mo mula sa Microsoft Store, Windows Store, o Xbox Store (kung saan tinutukoy ang bawat isa sa mga takda ng lisensiyang ito bilang “Store”), kasama ang anumang update o supplement para sa application, maliban kung may mga hiwalay na takda ang application, kung saan ilalapat ang mga takdang iyon.
SA PAMAMAGITAN NG PAG-DOWNLOAD O PAGGAMIT SA APPLICATION, O PAGSUBOK NA GAWIN ANG ALINMAN SA MGA ITO, TINATANGGAP MO ANG MGA TAKDANG ITO. KUNG HINDI MO TINATANGGAP ANG MGA ITO, WALA KANG KARAPATAN AT HINDI MO DAPAT I-DOWNLOAD O GAMITIN ANG APPLICATION.
Ang publisher ng application ay tumutukoy sa entity na naglilisensiya sa iyo ng application, gaya ng tinukoy sa Store.
Kung susundin mo ang mga takda ng lisensiyang ito, mayroon ka ng mga karapatan sa ibaba.
1. MGA KARAPATAN SA PAG-INSTALL AT PAGGAMIT; PAGKAWALA NG BISA. Maaari mong i-install at gamitin ang application sa mga Windows device o Xbox console gaya ng inilalarawan sa aming Mga Panuntunan sa Paggamit. Nakalaan sa Microsoft ang karapatang baguhin ang aming Mga Panuntunan sa Paggamit anumang oras.
2. MGA SERBISYONG INTERNET-BASED.
a. Pahintulot para sa mga serbisyong Internet-based o wireless. Kung kumokonekta ang application sa mga system ng computer sa pamamagitan ng Internet, na maaaring kinabibilangan ng wireless network, ang paggamit sa application ay nagsisilbing pahintulot mo sa pagpapadala ng standard na impormasyon ng device (kabilang ang ngunit hindi limitado sa teknikal na impormasyon tungkol sa iyong device, system, at software ng application, at mga peripheral) para sa mga serbisyong Internet-based o wireless. Kung nagpresenta ng iba pang takda kaugnay ng iyong paggamit ng mga serbisyong na-access gamit ang application, nalalapat din ang mga takdang iyon.
b. Maling paggamit ng mga serbisyong Internet-based. Hindi ka maaaring gumamit ng anumang serbisyong Internet-based sa anumang paraan na maaaring makapinsala rito o makahadlang sa paggamit dito o sa wireless network ng sinuman. Hindi mo maaaring gamitin ang serbisyo upang subukang magkaroon ng walang pahintulot na access sa anumang serbisyo, data, account, o network sa anumang paraan.
3. SAKLAW NG LISENSIYA. Ang application ay nilisensiyahan, hindi ibinenta. Ang kasunduang ito ay nagbibigay lang sa iyo ng ilang karapatang gamitin ang application. Kung hindi pinagana ng Microsoft ang kakayahang gamitin ang mga application sa iyong mga device alinsunod sa iyong kasunduan sa Microsoft, tatapusin ang anumang nauugnay na karapatan sa lisensiya. Nakalaan sa publisher ng application ang lahat ng iba pang karapatan. Maliban kung binibigyan ka ng mga naaangkop na batas ng higit na karapatan sa kabila ng limitasyong ito, maaari mo lang gamitin ang application ayon sa hayagang pinapahintulutan sa kasunduang ito. Sa paggawa nito, dapat mong sundin ang anumang teknikal na limitasyon sa application na nagbibigay lang sa iyo ng pahintulot na gamitin ito sa ilang partikular na paraan. Hindi mo maaaring gawin ang sumusunod:
a. Balewalain ang anumang teknikal na limitasyon sa application.
b. I-reverse engineer, i-decompile, o i-disassemble ang application, maliban at hanggang hayagang pinapahintulutan lang ng naaangkop na batas, sa kabila ng limitasyong ito.
c. Gumawa ng mas maraming kopya ng application kaysa sa tinukoy sa kasunduang ito o pinapahintulutan ng naaangkop na batas, sa kabila ng limitasyong ito.
d. I-publish o gawing available ang application upang makopya ng iba.
e. Parentahan, paupahan, o ipahiram ang application.
f. Ilipat ang application o ang kasunduang ito sa sinumang third party.
4. DOKUMENTASYON. Kung nagbigay ng dokumentasyon kasama ng application, maaari mong kopyahin at gamitin ang dokumentasyon para sa mga layunin ng personal na sanggunian.
5. TEKNOLOHIYA AT MGA PAGHIHIGPIT SA PAG-EXPORT. Ang application ay maaaring napapailalim sa mga kontrol sa teknolohiya o mga batas at regulasyon sa pag-export ng United States o international na batas at regulasyon. Dapat mong sundin ang lahat ng domestic at international na batas at regulasyon sa pag-export na nalalapat sa ginamit na teknolohiya o sinusuportahan ng application. Kabilang sa mga batas na ito ang mga paghihigpit sa mga patutunguhan, mismong gumagamit, at mismong paggamit. Para sa impormasyon tungkol sa mga branded na produkto ng Microsoft, pumunta sa website ng pag-export ng Microsoft (http://go.microsoft.com/fwlink/?LinkId=242130).
6. MGA SERBISYO NG SUPORTA. Makipag-ugnayan sa publisher ng application upang matukoy kung may available na anumang serbisyo ng suporta. Hindi responsibilidad ng Microsoft, ng iyong manufacturer ng hardware at ng iyong wireless carrier (maliban kung isa sa kanila ang publisher ng application) na magbigay ng mga serbisyo ng suporta para sa application.
7. KABUUAN NG KASUNDUAN. Ang kasunduang ito, anumang naaangkop na patakaran sa pagkapribado, anumang karagdagang takda na kasama ng application, at ang mga takda para sa mga supplement at update ay ang kabuuan ng kasunduan sa lisensiya sa pagitan mo at ng publisher ng application para sa application.
8. NAAANGKOP NA BATAS.
a. United States at Canada. Kung nakuha mo ang application sa United States o Canada, ang mga batas ng estado o lalawigan kung saan ka nakatira (o, kung isang negosyo, kung saan matatagpuan ang pangunahing lugar ng iyong negosyo) ang susundin sa pagbibigay-kahulugan sa mga takdang ito, claim para sa paglabag sa mga ito, at lahat ng iba pang claim (kabilang ang proteksyon ng consumer, hindi patas na kumpetisyon, at mga claim sa batas sa kapabayaan), hindi alintana ang salungatan ng mga prinsipyo ng batas.
b. Sa labas ng United States at Canada. Kung nakuha mo ang application sa anumang iba pang bansa, ilalapat ang mga batas ng bansang iyon.
9. LEGAL NA EPEKTO. Inilalarawan ng kasunduang ito ang ilang partikular na karapatang legal. Maaaring mayroon kang iba pang karapatan sa ilalim ng mga batas ng iyong estado o bansa. Hindi binabago ng kasunduang ito ang iyong mga karapatan sa ilalim ng mga batas ng iyong estado o bansa kung hindi pinapahintulutan ng mga batas ng iyong estado o bansa na gawin ito.
10. DISCLAIMER NG WARRANTY. Ang application ay nilisensiyahan nang “ganoon”, “kasama ang lahat ng pagkukulang” at “ayon sa magagamit”. Ikaw ang mananagot sa lahat ng panganib sa paggamit nito. Ang publisher ng application, sa ngalan ng sarili nito, Microsoft (kung hindi publisher ng application ang Microsoft), mga wireless carrier kung saan ibinigay ang application sa pamamagitan ng kanilang network, at ang bawat isa sa aming nauugnay na kaanib, vendor, ahente at supplier (“Mga Sinasaklaw na Partido”), ay hindi nagbibigay ng mga hayagang warranty, garantiya, o kundisyon kaugnay ng application. Ikaw ang mananagot para sa buong panganib pagdating sa kalidad, kaligtasan, kaginhawahan at pagganap ng application. Kung mapatunayang depektibo ang application, ikaw ang magbabayad para sa kabuuang gastos sa lahat ng kinakailangang pagseserbisyo o pagkukumpuni. Maaaring mayroon kang mga karagdagang karapatan ng consumer sa ilalim ng iyong mga lokal na batas na hindi mababago ng kasunduang ito. Hanggang sa limitasyong pinapahintulutan sa ilalim ng iyong mga lokal na batas, hindi kasama sa Mga Sinasaklaw na Partido ang anumang ipinapahiwatig na warranty o kundisyon, kabilang ang kakayahang maikalakal, pagiging tugma sa isang partikular na layunin, kaligtasan, kaginhawahan, at hindi paglabag.
11. LIMITASYON SA AT PAGBUBUKOD NG MGA REMEDYO AT PINSALA. Hanggang sa limitasyong hindi pinapahintulutan ng batas, kung mayroon kang anumang batayan para sa pagkuha ng mga pinsala, ang maaari mo lang kunin mula sa mga publisher ng application ay mga direktang pinsala hanggang sa halagang ibinayad mo para sa application o USD$1.00, alinman ang mas malaki. Hindi mo kukunin, at isinusuko ang anumang karapatan sa, anumang iba pang pinsala, kabilang ang mga kahihinatnan, nawalang kita, espesyal, hindi direkta o nagkataong pinsala mula sa publisher ng application. Kung ang iyong mga lokal na batas ay nagpapataw ng warranty, garantiya o kundisyon kahit na hindi nagpapataw ang mga takdang ito, limitado ang tagal nito sa 90 araw mula noong na-download mo ang application.
Nalalapat ang limitasyong ito sa:
• Anumang nauugnay sa application o mga serbisyong ginawang available sa pamamagitan ng application; at
• Mga claim para sa paglabag sa kontrata, warranty, garantiya, o kundisyon; mahigpit na pananagutan, kapabayaan, o iba pang batas sa kapabayaan; paglabag sa isang batas o regulasyon; hindi patas na pagpapahusay; o sa ilalim ng anumang iba pang teorya; lahat hanggang sa limitasyong pinapahintulutan ng naangkop na batas.
Nalalapat din ito kahit na:
• Ang remedyong ito ay hindi magbibigay sa iyo ng kumpletong kabayaran para sa anumang pagkalugi; o
• Alam o dapat ay nalaman ng publisher ng application ang tungkol sa posibilidad ng mga pinsala.