Buod ng mga Pagbabago sa Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft – Setyembre 30, 2025
Ina-update namin ang Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft, na sumasaklaw sa iyong paggamit ng mga online na produkto at serbisyong pang-consumer ng Microsoft. Nagbibigay ang page na ito ng buod ng mga pinakakapansin-pansing pagbabago sa Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft.
Para makita ang lahat ng pagbabago, pakibasa ang buong Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft dito.
- Sa header, in-update namin ang petsa ng paglilimbag sa Hulyo 30, 2025, at ang petsa ng bisa sa Setyembre 30, 2025.
- Sa seksyong "Ang Iyong Nilalaman", nagdagdag kami ng bagong seksyon na "c." na tumutugon sa mga nae-export na data.
- Sa seksyong "Suporta", na nakapaloob sa seksyong "Paggamit sa Mga Serbisyo at Suporta", nirebisa namin para alisin ang mga maling hyperlink at linawin na posibleng mag-alok ang ilang Mga Serbisyo ng hiwalay o karagdagang suporta, at posibleng sumailalim ang gayong suporta sa mga tuntunin sa labas ng Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft.
- Inalis namin ang seksyong "Para sa mga consumer na naninirahan sa Australia" sa ilalim ng seksyong "Suporta" dahil sa mga pagbabago sa mga lokal na regulasyon.
- Sa ilalim ng seksyong "Asia o South Pacific, maliban kung partikular na binanggit ang bansa mo sa ibaba", na nakapaloob sa "Nakikipagkontratang Entity, Pagpili ng Batas, at Lokasyon para sa Pagresolba ng Mga Di-Pagkakasundo", inalis ang mga tuntunin para sa mga residente sa Australia dahil sa mga pagbabago sa mga lokal na regulasyon.
- Sa seksyong "Mga Alok ng Panahon ng Pagsubok", na nakapaloob sa "Mga Patakaran sa Pagbabayad", nagdagdag kami ng mga pangungusap para linawin na posibleng kinakailangang i-on ang awtomatikong pag-renew ng ilang mga alok na panahon ng trial.
- Sa seksyong "Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo", idinagdag at binago namin ang mga sumusunod:
- Sa seksyong "Mga Serbisyo ng Xbox", na nakapaloob sa seksyong "Xbox", inilinaw namin na ipinapailalim ka ng pag-sign in sa device o platform gamit ang iyong account sa Microsoft, o ng pag-link ng iyong account sa Microsoft sa gayong device o platform para mag-access ng serbisyong hindi sa Microsoft, sa mga karapatan sa paggamit ng Microsoft na inilalarawan sa seksyong iyon. Dagdag pa rito, inilinaw namin na posibleng hindi mae-enable ang mga setting ng Family Safety na partikular sa Xbox kapag ina-access ang mga laro at serbisyo ng Xbox Game Studios sa pamamagitan ng mga third-party na device o platform.
- Alinsunod sa mga pagbabago sa seksyong "Mga Serbisyo ng Xbox", nagdagdag kami ng mga pangungusap sa seksyong "Mga Pampamilyang Tampok ng Microsoft", sa ilalim ng seksyong "Xbox", tungkol sa potensyal na hindi mae-enable ang mga setting ng Family Safety na partikular sa Xbox kapag ina-access ang mga laro o serbisyo ng Xbox Game Studios ng mga third-party na device o platform.
- May mga pagbabagong ginawa sa seksyong "Skype, Microsoft Teams, at GroupMe", para isama ang pagwawakas ng Skype.
- Binago ang seksyong "Mga Paghihigpit at Limitasyon sa Mga Puntos", sa ilalim ng seksyong "Microsoft Rewards", para salamining mag-e-expire ang mga hindi na-redeem na puntos kung walang nakuha o na-redeem na puntos sa loob ng 12 magkakasunod na buwan.
- Binago ang seksyong "Pagkansela sa iyong Rewards Account", sa ilalim ng seksyong "Microsoft Rewards", para salamining posibleng makansela ang Rewards account kapag hindi nakapag-log in dito sa loob ng 12 magkakasunod na buwan.
- Idinagdag ang bagong seksyon sa mga paghihigpit sa paggamit sa seksyong "Mga Serbisyo ng AI".
- Idinagdag ang bagong seksyong "Mga Serbisyo sa Mga Komunikasyon", na isinasaad na sumasailalim ang mga serbisyo sa pagsasagawa ng komunikasyon sa pagitan ng mga indibidwal, tulad ng Skype, Teams, at Outlook, sa mga karagdagang tuntunin sa paggamit. Masasaggunian at naka-link ang mga tuntuning ito sa loob ng seksyong ito.
- Sa buong Mga Tuntunin, gumawa kami ng mga pagbabago para mapahusay ang paliwanag at matugunan ang mga isyu sa grammar, typo, at iba pang katulad na isyu. In-update din namin ang pagpapangalan at mga hyperlink.