Guhit ng taong napapaligiran ng mga negatibong emoji

Huwag palampasin lamang ang cyberbullying

Hindi porke at nangyayari online ay hindi na totoo ang cyberbullying. Puwedeng may mapanirang epekto ito sa kalusugan ng estudyante, tiwala sa sarili at pagganap sa mga gampanin. Puwedeng ang mga bully (hindi nila nalalaman kung minsan) ay lumabag sa batas, lumilikha ng seryosong sitwasyon sa lahat ng kasangkot.

Ilang halimbawa ng asal na ginagawa ng bully

Ang cyberbullying (tinatawag ding online bullying) ay paulit-ulit na asal na layuning mang-asar, manghamak o mang-harass ng mas mahinang tao.

Guhit ng tao na nakasalampak sa harap ng mobile device na may mga mensaheng nagagalit

Flaming at trolling

Asaran o awayan online sa mga salitang puno ng galit, nakakapanliit o bulgar.

Guhit ng tao na nakahawak sa ulo niya, napapaligiran ng mga mensahe

Harassment

Paulit-ulit na pagpapadala ng mensahe na nakakainsulto, makulit at/o hindi magugustuhan ng kahit sino.

Guhit ng dalawang babaeng nagmemensahe sa isa’t isa

Panghahamak

Pagpapadala o post ng tsismis/sabi-sabi para siraan o pag-awayin ang mga tao.

Guhit ng tao na nasa computer na may palsipikadong mukha

Pagpapanggap (impersonation at catfishing)

Pagpapanggap para ilagay sa gulo ang biktima, sirain ang reputasyon nila o dalhin sila sa pangit na sitwasyon.

Guhit ng torotot

Paglalantad (outing)

Online na pagbabahagi ng sikreto ng ibang tao, nakakahiyang impormasyon o imahen.

Guhit ng dalawang tao na nagkakamay

Panloloko (trickery)

Pagkukunwaring mabait para makumbinsi ang iba na magsabi ng sikreto o ng nakakahiyang impormasyon, na may layuning ibahagi ito sa publiko na online.

Guhit ng mga tao na pinaghihiwalay ng pader

Pag-etsapuwera (exclusion)

Sadya at malupit na pag-etsapuwera sa isang tao mula sa online na diskusyon o grupo.

Guhit ng kamay na may hawak na mobile device

Pagbuntot (stalking)

Nauulit, matinding harassment at paghamak na may kasamang pagbabanta o pananakot.

Ano ang gagawin kapag nangyari ito sa iyo

Puwedeng sobrang nalilito na ang biktima ng pambu-bully kaya hindi na nila alam kung paano ito mapapahinto. Heto ang ilang hakbang na tulong sa iyo o kaibigan mo kung paano haharapin ang mga ganitong sitwasyon:

Sabihin sa nakatatandang mapagkakatiwalaan

Pinakamalubhang magagawa ang sarilihin ang cyberbullying. Sabihin ito sa mapagkakatiwalaang magulang, tagapangalaga, titser, coach o counsellor bilang simula ng proseso ng pagpapatigil sa pang-aabuso. Gusto ng nangbu-bully na manghina o mapahiya ka sa paggawa nito, pero ang pagsasabi ng nangyari ay patunay ng pagiging matapang at pagkakaroon ng lakas ng loob.

Guhit ng babaeng nakasuot ng unipormeng panlaboratoryo at lalaking may hawak na pointer

Katuwaan lang o malupit na pang-aabuso?

Hindi porke’t walang referee sa online gaming ay okay nang maging masamang sport o pikon-talo.

Guhit ng tao na nakasilip sa binocular

Pagtukoy sa asal na toxic

May malaking kaibahan ang biro lamang at pagiging gago. Kapag napansin mong ang usapan ay naging “masama” na – niloloko ang isang taong bagsak na, mahina o may pinagdadaanan, malamang na hindi na nakakatawa – lalo na kapag hindi na natatawa ang biktima.

Guhit ng tao na gumagamit ng laptop, napapaligiran ng mga simbolo

Huwag udyukan ang mga troll

Makakatulong ang lahat sa pamamagitan ng hindi pagsali kapag naging toxic na ang asal. Puwedeng mong i-report, block at/o mute ang masamang asal kapag nakita ito. Dapat na masaya, ligtas at bukas ang gaming (laro) para sa lahat.

Paano mapigilan ang cyberbullying

Dahil puwedeng matindi talaga ang epekto ng cyberbullying – sa bully at sa biktima – mahalaga para sa mga titser, magulang at mga estudyante na magtulungan para mapigil na ito. Heto ang ilang estratehiya na makakatulong:

Guhit ng tao na may hawak na pointer

Mga titser

Magsulong ng kapaligiran na may paggalang at pag-unawa sa isa’t isa, malinaw na alinmang asal ng pambu-bully ay isusumbong sa iyo. Turuan ang mga estudyante at guro tungkol sa mga tukoy na asal ng pambu-bully, bakit mali ang mga ito, at ano ang dapat gawin kapag nahuli.

Guhit ng babaeng hawak ang kamay ng isang bata

Mga Magulang

Alamin ang mga teknolohiyang gustong gamitin ng anak mo at mga kaibigan niya. Samahan ang mga bata habang naglalaro sila at tumitingin online. Palagiang hilingin sa mga magtitinedyer at tinedyer na ipakita sa inyo ano ang ginagawa nila online. Intindihin ang mga pahiwatig ng taong biktima ng asal ng pambu-bully.

Guhit ng tao na gumagamit ng laptop

Mga estudyante

Alamin kung ano ang cyberbullying at ano ang dapat gawin kapag nasaksihan ito. Mag-isip muna bago mag-post online at magmuni kung gagawin o sasabihin ang post kung sakaling magkita kayo ng kausap. Tanggapin ang hamon na maging lider para maging mas mabuti at ligtas na lugar ang internet.

Mabilis na Quiz!

Alam mo ba kapag may nangsa-cyberbully at ano ang dapat gawin dito?

Back to top