Guhit ng computer screen na napapaligiran ng mga tao

Mga kailangan sa kaligtasang digital para sa mga titser at estudyante

Dapat na isang ligtas na gawain para sa lahat ang mapag-aralan, matuklasan at maaliw ng Internet.

Guhit ng dalawang tao na nakatanaw mula sa isang screen

Alamin ang mga kaalaman

Na-cyberbully ba ang matalik mong kaibigan? Paano mo matutukoy ang fake news? Puwede bang ikaw ay inosenteng nabiktima ng identity theft, scam o virus? Malalaman mo sa site na ito kung ano ang dapat bantayan at paano protektahan ang mga gamit mo, mga kaibigan at detalyeng personal online.

Apat na mahalagang asal

Alamin ang aming mga tip at gabay. At subukan ang kaalaman mo sa aming mga interaktibong quiz.

Guhit ng tao na may hawak na bingwit, nangunguha ng imahen sa isang mobile device

Protektahan ang identidad mo

Ang password mo ba ay hello1234? Ang email na iyon ba ay totoong password reset o baka scam para nakawan ka ng identidad? Madalas na biktima ang kabataan.

Guhit ng taong napapaligiran ng mga negatibong emoji

Huwag palampasin ang pambu-bully

Inosenteng komento lang ba iyon? O cyberbullying na? Umaabot sa 34% ng mga estudyante ang nakakaranas ng cyberstalking, flaming, paglalantad (outing), trolling o panggagaya (impersonation) sa social media.

Guhit ng babaeng nakaupo sa screen, nagpapadala ng mga mensahe

Maging alisto sa mapapanganib na sitwasyon

Magandang idea bang magpadala ng hubad na retrato mo? Dapat bang paniwalaan ang lahat ng nababasa mo online? Matutukoy mo ba ang mga palatandaan kung naggu-“groom” sa iyo ang isang nakatatanda?

Guhit ng babaeng may hawak na mobile device, nakatayo sa pagitan ng dalawang screen

Sagot mo ang mga ginagawa mo

Dapat bang balewalain ang isang tao dahil hindi siya sang-ayon sa iyo? Ano ang magiging reaksiyon mo kung apektado ka ng isang post? Makakatulong ang pagkuha ng Digital Civility Challenge para makalibot ka online.

Protektahan ang device mo

Ang mga Windows 10 device ay may nakalagay na proteksiyon at tuloy-tuloy na mga security update para protektahan ka sa mga virus at trojan.

Back to top