Guhit ng babaeng nakaupo sa screen, nagpapadala ng mga mensahe

Maging alerto sa mga panganib

Ginawang normal na lang ng teknolohiya ang maraming asal na sa totoo lamang ay puwedeng maging delikado. Tingnan:

  • Magandang idea ba na magpadala ng hubad mong retrato?
  • Dapat mo bang paniwalaan ang lahat ng nababasa mo online?
  • Ano ang gagawin mo kapag niregaluhan ka online ng isang nakakatanda?

Ang hubad na katotohanan sa mga hubad na selfie?

Malaking panganib ito na hindi mo kailangan. At kung mas bata ka sa 18 taon, baka ilegal ito sa ilalim ng lokal na batas.

Guhit ng babaeng gumagamit ng laptop

Bakit ginagawa ito ng mga tao?

  • Gustong pahangain ang iba o ipagyabang ang katawan.
  • Inaakalang ginagawa ito ng lahat at ligtas ito.
  • Napupuwersang gawin ito.
  • Pinadalhan ka ng sexual content at pakiramdam mo ay dapat ding magpadala ng nakakatulad para "maging patas".
  • Hinilingan na "patunayan" ang oryentasyong sexual mo.
  • Nag-aalala na baka matukso o maetsapuwera kapag hindi mo ito ginawa.
Guhit ng cell phone na may larawan ng isang tao at mga tao sa alinmang panig nito

Ano ang masamang puwedeng mangyari?

  • Madaling maibahagi ang content mo at makikita ng mga kaibigan, titser, pamilya at mga di-kilalang tao.
  • Puwede kang ma-bully o gipitin (blackmailed).
  • Puwedeng maisapubliko ang content sa internet.
  • Kapag naibahagi na ang content, puwedeng makaakit ito ng mga manyak.
  • Kapag naibahagi ang content, puwedeng manatili na ito doon habangbuhay, na puwedeng makaapekto sa buhay mo sa hinaharap mo.
Guhit ng babaeng gumagamit ng laptop at ng simbolong pang-block

Paano tumanggi?

  • Sabihing gusto mo naman sila (kung totoo man) pero hindi ka komportable at dapat nilang respetuhin ang mga limitasyon mo.
  • Sabihin mong ayaw mong ilagay sa panganib ang hinaharap mo at magkaroon ng criminal record.
  • Sabihan silang gamitin na lamang ang imahinasyon nila.
  • Magbiro tungkol dito at magpadala na lamang ng nakakatawa.
  • Kausapin ang inyong mga kaibigan at humiling ng suportang moral.

Ano ang sinasabi ng batas?

Depende sa inyong lokal na batas, ang pagbabahagi ng hubad na retrato ay baka humantong sa legal na isyu. Pag-isipang mabuti bago mo gawin ang alinman sa mga sumusunod:

  • Ibahagi o i-forward ang hubad na retrato ng isang mas bata sa edad na 18
  • Magpadala ng hubad na retrato mo, kung mas bata ka sa edad 18
  • Magpadala o mag-share ng hubad na retrato ng sinumang hindi nagbigay ng kaniyang pahintulot
Guhit ng tao na gumagamit ng computer at maso ng hukom

Fake news

Ang misimpormasyon at disimpormasyon ang ilan sa pinakamabibigat na problemang kinakaharap ng lipunan natin ngayon. Ano ba ang mga ito/ Paano matutukoy ang mga ito?

Guhit ng dalawang tao na nagmemensahe sa isa’t isa

Misimpormasyon

Nakakaligaw na impormasyon ang misimpormasyon, puwedeng ginawa o ikinalat nang walang layuning manipulatibo o masama. Isang halimbawa nito ang isang kamag-anak na nagbabahagi ng palsong impormasyon sa social media nang hindi nalalamang walang katotohanan iyon.

Guhit ng laptop na napapaligiran ng mga icon

Disimpormasyon

Sinadya ang disimpormasyon para lituhin o manipulahin ang tao gamit ang di-tapat na impormasyon. Halimbawa, isang video channel na ginawa para magmukhang mapagkukunan ng balitang sa katotohanan ay naglalabas ng mga hindi totoong impormasyon para kumbinsihin ang mga tao na kumiling sa partikular nitong agenda.

Guhit ng isang diyaryo

Hate Speech

Kung minsan may post ang ilang tao na ginawa para lumikha ng pagkamuhi at karahasan. Puwedeng tungkol ito sa racism, edad, kapansanan, kasarian o oryentasyong sexual at puwedeng sa anyo ng video, cartoon, audio o retrato at maging mga salita. Hindi nakakagalit ang lahat ng hate speech, kaya pag-isipang mabuti kung ganoon nga ito bago i-report.

Basahin ang nasa likod ng mga ulo ng balita

May narinig ka na ba tungkol sa naglimbag ng artikulo? Nailathala ba ito kailan lamang? Mayroon ba itong mapagkakatiwalaang sanggunian para sa mga sinasabi nito? Inuudyukan ka ba nito? Puwedeng ginawa talaga ito para sa ganoon.

Guhit ng computer screen na may diyaryo at magnifying glass

Pag-aalaga (Grooming)

Kung minsan, kikilalahin ka online ng ibang tao para sa mga maling dahilan. Heto ang dapat na mabantayan mo:

Graphic of a person receiving flowers

Ano ang grooming?

  • Kapag sinubok ng sinuman na umugnay sa iyo nang matalik para pagtiwalaan mo siya – para sa maling dahilan
  • Puwedeng umabot sila na subukang gamitin ka nang sexual o irekrut ka sa mga layuning terorista o biyolenteng ekstremista
Graphic of a person holding a device and surrounded by emoji

Ano kaya ang palatandaan?

  • Nakatatanda na kinakaibigan ka online
  • Isang hindi mo kilala pero pinupuri ka nang todo
  • Nangangako na gagawin kang modelo
  • Nagpapadala ng regalo – gaya ng pera, tsokolate, damit o tekstong relihiyoso
  • Hinihiling na gawing sikreto ang relasyon ninyo
Graphic of a person surrounded by question marks

OK, ano kaya ang dapat kong gawin?

  • Magtanong sa nakatatanda tungkol sa sinumang nakilala mo online
  • Kung nakatanggap ka ng mga komento/mensaheng may pahiwatig na sexual o panghihingi ng maselang litrato, maire-report mo ito sa mga social media service
  • Pagtiwalaan mo ang kutob mo – kung ang sitwasyon o tao ay nakakaasiwa sa iyo, kumausap ng nakatatandang pinagtitiwalaan mo

Mabilis na Quiz!

Makakaya mo bang malusutan itong mga mapanganib na sitwasyon?

Back to top